Happy Birthday Lola Bella!

Birthday ng lola ko kahapon at syempre namimiss ko siya. Si Lola Bella, pag tinanong mo sa iba o kahit kanino, ang unang sasabihin nila “strikto” at oo sobrang strikto sya. Naabutan ko sya kasi grade 3 pa ako nung namatay sya. Sobrang sungit nya, kailangan sabay-sabay kumaen pag lunch… straight body… uubusin lahat ng pagkaen… pero pwede naman yung nag-uusap. Grabe lang sya talaga nun. Bawal din kami mag-internet cafe at laging may curfew sa bahay nun pag late ka dumating, boom ka na nun. Makukurot ka at mapapalo at ang sakit ng kurot nya talaga. Naaalala ko pa nun, piningot nya ako at mga pinsan ko kasi may nagsumbong na nag-internet cafe kami kasi nga internet games eh ayaw namin sa bahay nun kasi binabantayan nya bawat galaw namin like dapat puro research lang… Tapos nakapila pa kami pag papaluin nya kami.
squat kung squat eh no! Haha.

Tapos tinanong ko mommy ko kung paano sya sakanya… nung naging mag-asawa daw sila ni daddy… eh si Daddy nasa Hongkong tapos ako andito sa Pilipinas at si Mommy tapos si mom nakatira sa bahay ni lola kasi gusto nya ganun pag bagong anak sya yung titingin sa mga apo nya… bawat galaw daw ng mommy ko tinitignan nya at bawat kain ng mommy ko nakacheck… eh yung mommy ko di sanay na ganun kaya daw naglayas si mommy pumuntang Isabela kasama ako tapos tinawag sya ng auntie ko yung panganay na sobrang yaman, pinababalik daw kami ni Lola eh sa daming connections ni lola.. ayun napilitan bumalik.. binigyan ng trabaho yung mommy ko ni auntie.. tapos nag-enjoy si mommy ko kasi pag umuuwe sya ng bahay tulog nalang sya at di nya nakikita lola ko na sobrang strict.. Tapos favorite ni lola maglaro ng mahjong kaya pag nalalaman ng mga pinsan ko, uncle, auntie at mga manugang nya or byenan nya, nagkakafiesta daw sa buong compound… Hahahaha!!!L Yung pwedeng umupo ng nakataas ang paa, telebabad sa telephone at malakas na music pero pag nagtext na daw yung Ate susan yung maid ni Lola date na darating na sya… ayan aayusin lahat kunyare tulog lahat. Hahahahaha!!!

Lahat talaga sila natatakot tapos fave ni Lola yung mga lalaki… tsaka mga bunso kaya fave nya daddy ko.ll yung lasinggerro daw daddy ko iniintindi daw nya ganun.. Tapos magaling sa pera si Lola, basta ang daming may kilala sakanya.. tapos pag inaaway daw ni lola si mommy pinagtatanggol daw ni Lolo yung mommy ko.. Hahaha. Grabe lang talaga nun.. tapos gusto pa ni Lola talaga sa compound kami tumira bawal humiwalay ganun. Kaya sobrang proud ako sa daddy ko tsaka sa mga kapatid nya kasi close talaga silang lahat pag may problema… problema ng lahat. Tulungan talaga…

Si Lola din reyna ng palengke yan… pag bumili sya ng ulam as in pulido… malaki.. grabe! Bawat pagkain ang sarap tapos laging 5 putahe dapat… hindi bababa dun yung maluluto lagi… tapos pag outing 2 truck dapat puro pagkaen ganun sya katindi.. tapos papaluto nya yun sa mga asawa ng anak nya… sa mga babae ang walang mailuto… di isasama. Ganun yung rules nya!!! Haha. Grabe diba! Tapos yung mga pinsan kong babae na tumira sakanya, nahuli nun tumetelebabad, ayun binato nya yun telephone sakanila tapos kinulong nya sa kwarto.. funny dba hahahaha!!! Ako nun, fave nya ako kasi englishero ako nun galing kasing Hongkong kaya di nya ako nakikita lage nun kaya lagi nya akong karga tapos tahimik lang ako nun… pero nung dumating yung kapatid ko na lalaki yun na talaga fave nya kasi kamukha ng daddy ko as in parang anak nya kapatid ko… sya nagpapaaral, nagpapagupit tapos laging sa resto kumakain yun! Haha.

Tapos nagustuhan nya din mommy ko kasi nakita nya nakabili agad ng lupa, kotse at bahay mommy ko eh gusto nya magaling sa pera kaya binigyan nya pa daw mommy ko ng pera nun para sa negosyo tapos libre lahat nya sa kuryente at tubig as in sakanya lahat.. Haaaay nakakamiss si lola super bonding nung buhay pa sya!!!! Haha. ang dami ko pang kwento about her… to be continue ituuu

7 notes / 4 months ago
TAGS: share  
Missing my bff 2.

Alam mo ba yung mga oras na naiiyak na talaga ako kasi nawalan ako ng pera na gusto kita tawagan kasi feeling ko mawawala gutom ko pero alam mo yung nahihiya pa ako kasi baka maistorbo kita ganun, yung feeling na pag tinatawagan kita bakit wala kang gana kausap ako ganun.. Tinatanong ko sa sarili ko kung ano ba ginawa ko ganun? Na Nicole, bakit nagbago ka ba?

Sobrang sakit sa feeling na sa lahat ng tao, ikaw pa yung nang-iwan sa akin na akala ko sa isang tawag or text ko nandyan ka.. yung akala ko forever na.. yun pala ikaw pa yung magbabago. Sana maisip mo na sa dami kong namemeet na tao, di kita pinagpalit at never kitang ipagpapalit. Minsan, naiiyak nalang ako pag nirereject mo ako parang utang na loob ko pa pag sumama ka sa akin, yung parang di na kita masigawan kasi awkward na… di ko na masabi sayo gusto kong sabihin kasi baka magalit ka… di ko alam ano bang nangyari talaga.

Sana lagi mong tatandaan Nicole… yung pinagsamahan natin na ups and downs magkasama tayo.. na magkapatid tayo.. sana alam mo yung ganun sa,a marunong ka magtreasure kasi alam ko di mo ramdam itong nararamdaman ko pero realtalk… eto yung nararamdaman ko.. :(

Yung pag-out ko pa, di ko pa sayo una nasabi… nalaman mo pa sa iba gustong-gusto ko ishare lovestory ko sayo para kiligin baby bangs mo pero nasan ka ba… ayan nandyan ka sa new friends mo.. Sabihin mo ng napakapetty ng reason ko… pero nagseselos talaga ako sakanila feeling ko naman mas masaya naman akong kasama… loljk! Mamaya sumbong mo pa ako pero wala akong pakialam, alam mo naman ako.. Eh, ano ba yan lahat ng nakakatampo ginawa mo na feeling ko sa birthday ko, wala ka nanaman or nakalimutan mo na no. Ganyan ka naman. Gusto kita idate at gusto ko magheart-to-heart talk tayo, gusto ko mag-iyakan at tawanan with you…

Alam mo bang tinatanong ka ng mga kaibigan ko sa Manila bakit di na tayo kinakausap at di na kita nakwekwento at realtalk sinabi ko talaga sakanila na nagtatampo ako sayo.. ewan ko ba napano ka na?! Haha. Pero, sana bumalik na habang andito pa ako ngayong summer… Hay basta, dami natin pag-uusapan.

P.S Tutulu ing sipun ku. Loljk.

12 notes / 5 months ago
TAGS: share  
My missing bff.

It’s been 2 years na nasa Manila na ako dahil nag-aral ako dun. Maraming nabago sa sarili ko at maraming nawala sa buhay ko at isa sa mga nawala na sobrang importante sa buhay ko ay Nicole, bestfriend ko siya parang kapatid ko na yan… at walang maitatago sa akin yan.

Ang usapan namin nun walang kalimutan… biglaan kasi yung pag-Manila ko at ang alam ko magsasama kami sa Pampanga nun pero natuloy ako… noong mga unang buwan ko sa Manila nararamdaman ko pa si Nicole pero hanggang sa pagtagal ko, unti-unti na siyang nawala. Nakakamiss lang… nasan na ba yung kaibigan ko lalo na pag kailangan ko siya?

Inaamin ko, nagseselos at naiinis ako minsan sa mga kaibigan mo yung mga bago kasi parang feeling ko inagaw ka nila sa akin, feeling ko nawalan ako ng mahalagang bagay na ayaw na bumalik sa akin, feeling ko para kang aso na natrain nila na hindi na babalik sa akin talaga.. Tawagin mo na akong selfish, pero gusto ko sa akin ka lang pero ano pa bang magagawa ko… mas gusto mo na sila kasama sa akin, feeling ko pag wala ka nalang kasama dun ka gusto sumama sa akin.

Naiinis ako nun… sana palang di nalang ako nag-Manila kung ganito din mangyayari sa akin pero andito na eh. Akala ko nga ako pa yung makakalimot sainyo or sayo, pero ako pa lagi yung nakakaalala… ni minsan wala man akong natanggap na “kamusta ka na friend?” yun yung hinahanap ko at di mo alam kung gaano kahirap na wala ka sa tabi ko.. pag sobrang naiiyak na ako sa mga problema ko.. oo marami akong kaibigan sa Manila, pero iba ka parin. Napapatawa mo ako at ang bilis mawala ng problema ko pag ikaw kausap ko…

Sa totoo lang, di na kita masyadong kilala… like tinatanong ko pa sila.. Si Nicole na ba yan? Hindi about sa katabaan mo pero sa ugali mo… parang nag-iba talaga hindi lang parang, nagbago ka talaga. Nasan ka na ba talaga? Pero alam mo bang, pinagmamalaki kita dito sa Manila halos kilala ka lahat ng mga kaibigan ko dito pero syempre nabwibwiset ako sayo dahil solid ka na magyosi di mo man tinupad promise mo. Ano ba yan.

Ang dami kong ishare sayo.. yung gusto ko ikaw una makaalam pero sa totoo lang pinag-iisipan ko.. pagkakatiwalaan ko pa ba yung taong iniwan ako sa ere. Alam mo ang dami kong gusto sabihin sayo, bad times and good times pero bakit ganun ikaw pa yung walang oras sa akin? :( Nagtatampo talaga ako alam mo ba yun, tapos dati nagkakabf ka naman pero bakit ngayon mas mahal mo na siya sa akin joke lang.. Sana marealize mo na may nagtatampo dito oh…

Sana makabonding kita soon yung tayong dalawa lang. Ang dami kong gustong sabihin talaga sayo, sana bumalik na yung dating Nicole na kilala ko.. ying Nicole na may pakialam sa akin, yung nag-aaalaga at syempre yung nagmamahal sa akin.

Sobrang miss kita.

P.S Papayat na tayo.

6 notes / 5 months ago
TAGS: share  
Starting over again.

Siguro may starting over again syndrome na ako. Loljk.

Sobrang laki ng epekto ng movie nito sa akin as in.. hanggang ngayon pag inaaalala ko bawat lines, kwento at eksena nakakarelate ako.. hindi porket Architect si Toni ay ganun kung hindi dahil dun sa story. Ganun na ganun story ko.. kaya siguro noong sa sinehan, di tumigil luha ko.

Kaya nakakarelate ako dun, kasi binereak ko din ex ko last year dahil siguro nagsawa ako.. nagtagal kami for 7 months at ang dami namin pinagdaanan.. ups and downs talaga tapos biglang ganun siguro dahil immature pa ako that time. Ngayon, ginagawa ko lahat ng pagpapansin at lahat para mawin back ko siya pero lagi niya sinasabi na.. ayaw nya pa.. pero “mahal niya parin ako at ayaw nya lang masaktan ulit”.

Hindi ako nakapagfocus sa 2nd year life ko as in nagloko ako at gabi-gabi umiinom at naniwala ako na use someone to move on ganun ang daming nagparamdam sa akin pero 1 week lang tumatagal.. halos lahat dun may itsura, may kotse in short mas lamang sakanya pero alam mo yun, iba talaga pag mahal mo kahit walang itsura yan or ano pa man, siya parin talaga. Dumating sa point na lahat, iniiwan ko talaga.. bawat inuman na napupuntahan ko… siya siguro bukambibig ko.. feeling ko nga nagsawa na mga kaibigan ko sa mga drama ko.

As in iniyakan ko siya gabi-gabi at habang naaalala ko lahat… nagsisisi ako.. hangga’t tinext nya ako na nasa Manila siya.. syempre pumunta ako sakanya at kahit puyat ako.. go parin. Kumain kami pero wala akong gana dahil naiyak ako.. sobrang naluluha ako.. Hindi na din ako pumasok sa class kasi gusto ko siya makausap…

Tinanong ko siya kung mahal niya pa ako.. At naluha nalang siya.. that time.. Alam ko na ang sagoy pero nagsalita parin siya at sabi niya.. “Kael, I love you and di mawawala yan pero in a different way” nagstart akong umiyak sobrang iyak.. at niyakap niya ako. Ang sabi ko sakanya, “Bakit ayaw mo na ba? Nandito na ako.. Nagbago na ako” Ang sabi niya, “Nasaktan mo ako ng sobra at ayaw ko na mangyari yun”….

Ang sakit-sakit sa pakiramdam pero naging masaya ako kasi may closure na talaga.. After a year na pagmomove on siguro ito na yung time na kalimutan ko siya.. at nagpromise kami sa isa’t-isa na mag-uusap kami ulit pag Architect na ako so mga after 5 years pa at sana oag nakita ko siya.. ready na ako at maipapakita ko sakanya na nabago niya ako.. :)

21 notes / 5 months ago
TAGS: share  
Scared to death.

Isa sa mga kinakatakutan ko ay mamatay. Ang daming pumapasok sa isip ko pag ganyang bagay ang mga pinag-uusapan tulad ng “pag namatay ba, may naiisip pa ba ako o wala na talaga as in wala na ako forever”… Sana totoo yung heaven ‘no? Pero naniniwala parin ako na may God at may heaven… pero sa tuwing naiisip ko.. “bakit kasi may namatay pa?” hindi ba pwedeng forever buhay nalang?

Sa mga pagsubok na nangyari sa buhay ko tulad ng pagpanaw ng isa kong kaibigan na naaksidente… hindi ko maiwas na isipin na bakit ang aga naman? Ayos lang naman sana kung 80 plus eh pero minsan nagtatanong ako… bakit ang aga-aga kinukuha? Minsan nga gusto kong magkaamnesia para makalimutan ko yung mga bagay-bagay at magsimula ng bagong pahina sa buhay ko… magsimula na walang sakit… at sana masimulan ito ng maganda.

Sabi ko nga, live life to the fullest kaya ako heto sobrang ineenjoy ko bawat segunda ng buhay ko at walang sinasayang na panahon at naniniwala akong magiging masaya ako at tatagal ang buhay ko pero dahil nga sa pagkaparanoid ko marami akongg naiisip… pero sana wala sa isip ko itong mga patay thingy at mabuhay ng masaya at matiwasay.

21 notes / 7 months ago
TAGS: share  

Habang malakas ang ulan sa Manila at walang pasok..

Heto ako hinhintay kaibigan ko kasi pupunta kaming Trinoma eh matagal sya kaya nagmuni-muni ako sa lobby.. hanggang may nakita akong dalawang tao na nakapayong.. magsyota yata ‘e. Hindi ko pinapansin masyado.. hanggang nabored ako kaya tinitignan ko sila.. Medyo malapit sila sa akin kaya naririnig ko sila pero di ganun kaclear dahil sa lakas ng ulan.. hanggang pinagmasdan ko yung mukha ng babae., umiiyak ba sya o naulanan lang mukha pero.. oo umiiyak sya.,

Hinahawakan nung lalaki yung kamay ng babae pero nilalayo nung girl hanggang sa inalis nung girl yung ring sa finger nya.. narinig ko.. “Sakanya mo nalang ibigay ‘to babe”.. nakasmile sya pero naiiyak siya pero pigil lang.. hanggang sa niyakap sya nung guy.. As in super hug sya dun sa girl naiyak ying guy at syempre yung sakit ng iyak ng girl kitang-kita ko..

Pumunta sa elevator yung girl at iniwan yung guy.. yung guy nakatingin lang sa building namin tapos parang nagsisisi siya at naiyak sya.. Ako din nalungkot ako hindi ko alam bakit kasi ang sakit yata nung nangyari sakanila.. Alam ko mahal ng guy yung girl dahil kita ko sa hug nya at parang aminado sya na may kasalanan sya at syempre sobrang sakit sa girl kasi nga naloko siya..

23 notes / 10 months ago
TAGS: share  ouch  :(  
Awkward moment..

May ex akong iniwan sa Pampanga.. nakalimutan ko siya.. Oo nakalimutan ko siya.. tuwing naiisip ko siya walang bitter.. walang anu-ano basta ang alam ko magkaibigan kami dahil pareho naman kami ng set of friends. Tuwing nagbabakasyon ako sa Angeles, nagmemeeet kami magkakaibigan.. shot, gala at kung anu-ano pa.. Okay lang naman yun pero ang awkward sila ng kaibigan ko.. syempre medyo awkward lalo na hindi alam ng kaibigan ko.. naging EX ko sya.

Okay naman pag umaalis pero minsan tinatanong nya ako na kaming dalawa lang na kung okay ba ako sa Manila.. sinasabi ko “okay naman ako” tapos ganun lang tanungan.. then one time, tahimik ako sa galaan.. tapos sinabi nya.. ako nalang bibili ng pagkain mo habang ako.. sinabi ko kumain na ako.. tapos hinawakan nya ako sa leeg at kiniliti.. UTOT MO KAEL! Alam nya kasi ugali ko.. alam nya na pag tahimik ako..

Ngayon, okay kami.. magkaibigan pero ang awkward pag magkakasama kami.. kasi parang naaalala ko yung kami pa tapos ngayon kaibigan ko nalang sya.. Yung pakiramdam na minsan binibigyan ko ng meaning mga tanong o galaw nya pero para sa akin talaga, tapos na.. at masaya na kaibigan ko at alam ko masaya na kaming dalawa. :)

28 notes / 1 year ago
TAGS: share  

I texted my ex na naging lesbian.. sabi ko namiss ko siya.. sabi niya.. “Sino ‘to?” tapos sabi ko.. “ex mo”.. Sabi niya, “Wala akong tinurin na naging ex kasi alam ko.. ako lang ang NAGMAHAL at laging NAGMAMAHAL”.. Naiyak ako kasi ako yung dahilan ng pagiging ganun nya.. Inaamin ko, nagkamali ako pero pag kasama ko siya.. gusto ko siya yakapin at sabihin sana hindi dumating sa ganitong pangyayari.. Bakit naging ganito yung sitwasyon natin..

Magkaibigan kami.. naghaharutan pa nga eh.. pero minsan nagtitinginan kami tapos yung mga mata parang kinakausap ako na “Bakit ginawa mo sa akin ‘to?” Ang awkward tapos biglang tumugtog yung One more chance ni Piolo.. umalis siya sa kwarto.. Sabi niya pa sa akin, “Ingat ka sa Manila tol ah?” sabi ko.. “Magbago ka na please?” nagsmile lang sya..

Gusto ko siyang yakapin at sabihin na.. hanggang ngayon nasasaktan ako.. ikaw ang dahilan bakit nagbago din ako katulad mo.. Alam ko mali pero nandito na eh.. pero kung bibigyan ng panahon maulit.. Alam mo sa totoo lang.. gusto ko maging yung Kael dati.. yung tayo.. Sana nababasa mo ‘to para alam mo na hanggang ganyan ka.. NASASAKTAN ako.. Ayoko yung pinipilit mo yung mga bagay na alam mong pansamantala lang.. Pinipilit mong magbago kahit hindi mo kaya at pinipilit mong maging masaya kahit ang sakit-sakit na..

40 notes / 1 year ago
TAGS: ex  share  
Artista kong kaibigan.

Nakakaasar pag may friend kang artista.. yumayabang lalo. Hindi ko na sasabihin yung pangalan pero grabe kasi yabang nya na.. Siguro akala ng iba mabait siya kasi galing reality show sa abs, pero scripted naman talaga.. Dati, mayabang na sya.. Oo.. pero mas lalo yumabang.. Alam ko naman may ipagmamayabang pero yung grabe na sya.. Noong nakaraang araw lang, nasa KFC kami magkakaibigan tapos pupunta pala siya hindi ko alam.. Nagtext friend ko, “Uy, invited pala si..” Sabi ko, “Oh.. hindi ko alam” tapos tinignan ko siya nasa Cashier ng KFC.. may mga tumitili and everything tapos siya sige lang tapos ang presko niya nung tumabi na sya sa amin.. Eh.. di naman sa plastik kaming iba pero nayayabangan na kami sakanya.. Grabe.. pag umiinom din kami.. ang yabang nya.. di naman lahat kilala siya. Hays. XOXO! Hahaha!

Tapos si Daniel Padilla diba halos may gusto sakanya and bestfriens ng friend ko yung nanay ni DJ kaya nakakasawa na din pero mismong mga kaibigan ni DJ nilalait siya ewan ko kung bakit.. tapos yung friend ko.. pinsan si DJ so.. lagi ko din nakikita NOON si Daniel.. kasi nasa Angeles sila lagi.. tapos itong friend kong artista.. Nakakotse tapos nakita niya kami sabay daw kami kasi sabi may mall tour daw siya sa isang mall.. Tapos ayun.. nagmamayabang nanaman siya.. Hay basta!! Hahaha!!!

38 notes / 1 year ago
TAGS: share  
Cashier sa steak house.

May steak house kami sa Pampanga.. minsan ako yung nagcacashier dito.. tapos ang daming customers lagi at ang gawain ko.. taga-sukli. Hahaha! WTF! Pero may sweldo ako and chill lang.. kung anu-ano pa inoorder ko.. tapos minsan may mga taong nakatingin sa akin.. :( Hahaha! Hindi ko alam bakit.. pero nagsmismile nalang ako kasi baka masungitan naman sila pag nagsnob ako.. habang ako kumakain sila.. may girl na lumapit sa akin para magbayad.. “Ito yung bill” tapos sabay tanong “Artista kaba?”.. WTF!! Hahaha! No joke yan pero sabi ko.. hindi po.. tas familiar daw ako ganun.. Hahaha! Meron pa.. akala dati ako si Enzo Pineda.. Ayun, kakatawa talaga.. ang epic. Haha!

35 notes / 1 year ago
TAGS: share  
Ikaw na bata ka.

Second time ko sa divisoria nun.. Papunta kami ng kaklase ko.. nakajeep.. Tapos may humila ng bag ko sa likod ng jeep.. tapos tawa nang tawa yung mga bata kasi nauntog ako.. Iba talaga mga bata sa Manila, nantritrip talaga ‘e.. Eh wala ako sa mood nun, fuck you sya.. Binabaan ko sila kasama ko naman mga kaklase ko nun ‘e tapos talagang nilapitan ko sila.. Tapos nagtuturuan sila.. Fuck sila! Nakakuha sila ng maaanghang na salita sa akin tsaka pinag-aano ko sila ng tsquare ko kasi dumudura sila.. Haay bakit ganun yung mga batang yun? Kairita kayo! Haha! Pero hindi ko kayo papalampasin coz wala kayong respeto!! Haha!

31 notes / 1 year ago
TAGS: share  

Hindi ako yung taong mapanira. Hindi ako yung desperado na sisirain yung tao kasi naiinggit ako sakanya, kahit may ayaw ako sakanya o kahit ano. Hindi din ako backstabber na tao. Hindi ko alam pero kung may ayaw ako sa tao, NILALAYUAN ko.. hindi yung maninira pa ako.. Pero yung iba sa sobrang INSECURE yata, nakukuha pang gumawa ng kung anu-anong kwento para lang malinis ang pangalan nya.. Hindi din ako yung taong gustong may pinag-uusapan na tao na puro kasiraan nya yung pinag-uusapan. Ako kasi kahit siraan mo yung isang tao sa akin, di ako maniniwala hangga’t di ko naproprove sa sarili ko na totoo. HINDI GANUN KAKITID ANG UTAK KO PARA MANIWALA AGAD SA MGA KWENTO-KWENTO.

31 notes / 1 year ago
TAGS: share  
Sa isang sulyap ni crush.

Grabe, dati ko pa siyang crush talaga kaso alam mo yung.. ay baka di talaga kami pwede ganun. Pero kinikilig ako kasi nga di ko alam pero feeling ko may chance naman.. Kasi may isang event tapos invited ako at syempre siya.. Nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin pero hindi ko siya matignan kasi nga naiilang ako pero fuck.. gusto ko siyang.. kausapin..

Hanggang nanahimik ako sa event kasi nga sobrang nahihilo na ako tapos tinapik nia ako sa likod tapos sabi niya “Uy, Kael.. okay ka lang ba?” Alam mo yung, shit bakit mo ako kinausap.. Grabe! Yung ang saya ko na.. tapos tinabihan nya na ako.. Sabi niya, magkwento daw ako sa Manila ganun.. Edi nagkwekwento naman ako.. Hanggang sa sinabi ko, sige dun muna ako kasi tinatawag na ako ng kaibigan ko.. Hanggang sa nagseselos na ako kasi nga kasama niya yung lovelife niya.. Pero okay lang kasi crush ko lanh naman siya..

Nag-inuman kami ganun tapos binigay nya yung baso sa akin.. tapos nahawakan ko yung kamay nya.. ang tagal naghawak ng kamay namkn tapos kinilig ako.. Namula ako pati siya.. tapos grabe.. di ko makalimutan.. Kinukwentuhan niya pa ako.. Haaay..

27 notes / 1 year ago
TAGS: share  
Hindi ako magyoyosi..

Napagusapan namin magkakaibigan na magkikita at bibili ng damit tapos nagtext yung kaibigan ko.. Pupunta muna ako sakanila sabi niya.. tapos sabi ko.. “Sama ako” tapos sabi ng kaibigan ko.. “Weh totoo?” Tapos sabi ko Oo.. Noong pagpunta namin sa bahay nila.. nahihiya ako hindi ko alam kung paano siya iapproach pero nung nagkita na nga.. Sabi niya “Uy, Chael (Kel) dito ka pala”.. Tapos tinaas ko lang ulo ko.. Hindi ako makatingin sakanya ng maayos.. Nagbigay sya ng food ganun tapos sabi ko ayoko..

Pumunta kami sa isang place magkakaibigan.. tapos yosi nga ganun tapos sabi niya.. “Nagyoyosi ka?” sabi ko “Hindi”.. Tapos nya, “Naks, kung sino pa yung nasa Manila yun ang di nagyoyosi ah..” Sabi ko, “Eh kakaospital ko lang kasi dahil sa mga ganyan ‘e.” At sabi niya.. ” Hanggang ngayon sakitin ka parin?!” Ngumiti nalang ako pero di niya yata naaalala na sabi ko never na ako magyoyosi sa harap nya kasi hinihika siya pag nagyoyosi ako date.. pero tinigil ko para sakanya.. Mahal na mahal ko siya talaga noon.. Siya halos lahat ng dahilan kung ano ako ngayon..

Tapos kinausap niya, “Bakit galit ka?” tapos sabi “Huh?” Sabi niya, joke lang babe..

Awwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww…..

35 notes / 1 year ago
TAGS: share  
Bakit naging tomboy ka?

Grabe. Yung ex ko.. naging ganun. Dati nun sobrang babae sya as in.. tapos lagi niya pa ako inaaalagaan.. Grabe nya! Yung ang swerte ko sakanya kasi yung oras nya talaga sa akin lagi.. tapos ayaw niyang nakikipagusap sa iba kasi nagseselos siya.. nagbreak kami kasi yung parang wala na kaming oras ganun.. tsaka mahirap yung sitwasyon..

Bestfriend nya bestfriend ko.. tapos pag nagkikita sila ng bestfriend ko.. talagang di ako pumupunta kasi awkward nga.. tapos nung nagkita kami sa isang fastfood kasi namiss ko din siya.. Lalaki na itsura nya, pati kilos.. boses at lahat na.. Tapos tinanong ko kung napano siya? Bakit naging ganun sya.. di siya sumasagot pero yung tingin niya sa akin iba.. Alam mo yung parang ako yung may kasalanan kaya nakokonsensya ako..

Kagabi.. hatid at sundo pa ako sa kotse nya.. tapos tinitignan ko siya.. naluluha ako.. Na shit bakit ganito yung nangyari sa amin.. gusto ko siya makausap ng mabute pero alam mo yung di na yata mababalik.. Iba na yung panahon pero gusto ko siya yakapin.. Haaayy.

35 notes / 1 year ago
TAGS: share