Key-Ey-I-El: KAEL

notaroyalprince:

Ang tao sa likod ng url na kaelbondoc.tumblr.com

Binisita ko ang kanyang blog at laking gulat ko sa bawat post na tumambad sa akin. Nagmature na siya o baka hindi ko lang talaga siya kilala ng lubusan? Ganyan ang naging tanong ko sa sarili dahil ibang Kael ang nabuo sa aking isipan habang binabasa ko ang kanyang mga kwento.

Kakaiba! Mapapalaki ang iyong mga mata at tila may bubuong mga perlas na unti-unti’y papatak mula rito. Tatagos ang bawat salitang mababasa gayon na rin ang emosyong nais niyang ipadama sa mga tagatangkilik.

- - - - -

Bakit kasi nagpapatalo sa pag-ibig? Bakit kasi umaasa sa mga taong hindi ka naman kayang ipaglaban? Bakit siya pa sa milyun-milyong tao sa mundo?

Matagal ko nang kaibigan si Kael ngunit kahapon ay naglabas na siya ng saloobin tungkol sa taong matagal niya nang mahal at patuloy na minamahal. Nalulungkot ako para sa kanya dahil sa naging bunga ng LDR na pinasok niya.

Mahal siya ngunit may iba pang mahal ang taong mahal niya.

Kakaiba talaga ang nagagawa ng pag-ibig…

- Nagiging tanga na hindi namamalayan.

- Lumalambot ang puso kahit sa sarili tingin mo’y nakamove on ka na.

Dear Kael,

Huwag kang magpapatalo dahil ang pagkakakilala ko kay Kael ay iyong taong palaban at hindi sumusuko sa anumang laban sa buhay. LOVE lang iyan at sigurado akong kakayanin mo iyan. Isang tawag mo lang at maririnig mo na agad ang boses ko kahit… (alam mo na iyon). HAHAHA.

Ang bawat payong naibabahagi sa iba ay hindi palaging naiaapply sa sariling sitwasyon lalo sa pag-ibig.

Wow ah, umeeffort. :)


POST DETAILS:
Posted on February/20/2012
Tagged as: kaelbondoc, pagamit nung photo mo, sad, ang drama ko lang, HAHAHA,
Originally Posted by: notaroyalprince Reblogged From: notaroyalprince

POST NOTES:
  1. kaelbondoc reblogged this from notaroyalprince and added:
    Wow ah, umeeffort. :)
  2. notaroyalprince posted this